Umani ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizens ang naging “romantic dinner date” nina Paolo Contis at Yen Santos matapos ang kontrobersyal na story sa kanilang instagram account.
Unang nag story si Paolo na nag-selfie at may caption na “dinner date” at nakatag pa mismo sa aktres na si Yen.
Matapos ang isang oras ay agad ding nag story si Yen sa kaniyang IG account ng isang venue para sa kaniyang birthday celebration na may caption naman na “birthday dinner.”
Dito na umani ng pambabatikos ang dalawa mula sa mga netizens at sinabing napaka dali lang para sakanila ang salitang “cheat” at hindi marunong makuntento sa isang tao.
Sinabi pa ng mga netizens na “proud and loud” pa ang dalawa sa kanilang pagiging “friendship.”
Matatandaang September 8 nang magpost si Paolo tungkol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at nilinaw ang namamagitan sakanilang dalawa ni Yen matapos kumalat ang kaniyang picture kasama ang nasabing aktres sa Baguio, kung saan, sinabi ni Paolo na nagbaguio lamang sila “as a friend.” —sa panulat ni Angelica Doctolero