Idineklara na bilang insurgency free o malaya na mula sa mga rebelde ang lalawigan ng Romblon.
Ayon kay MIMAROPA o Region 4-B Police Director Chief Supt. Tomas Apolinario, itinuturing nilang napakahalagang milestone sa kanilang kampanya laban sa mga rebelde ang pagkakadeklara sa Romblon bilang insurgency free.
Paliwanag ni Apolinario, idinedeklara ito kung wala nang naitatalang aktibidad ng mga komunistang grupo, wala nang napapaulat na anumang kaso ng harassment at extortion at wala nang komunidad o grupo ng mga sumusuporta sa mga rebelde sa isang lugar
Sa ngayon aniya, nakatutok ang MIMAROPA Regional Police Office sa lalawigan ng Marinduque na nalalapit na ring maideklara bilang insurgency-free.
Dagdag pa ni Apolinario, aabot na lamang sa walumpu (80) ang bilang ng mga rebelde sa buong rehiyon ng MIMAROPA at madalang na rin aniya ng mga nangyayaring engkwentro.
Ang lalawigan ng Romblon ay ikalawang lalawigan sa buong bansa na idineklarang insurgency – free kasunod ng Cavite province sa Region 4-A o CALABARZON.