Tiwala si House Deputy Speaker Mikee Romero na kayang protektahan ng 2020 national budget ang mga mahihirap sa epekto ng inflation.
Sa ilalim ng P4.1-trillion national budget, sinab i ni Romero na mayroong halos P109-billion na alokasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan at P36-billion naman para sa unconditional cash transfers para sa 4-milyong mahihirap na Pilipino.
Samantala, isinulong ni Romero sa Philippine Statistics Authority at NEDA na ihiwalay ang sin taxes sa alcohol, tobacco at sweets sa food basket ng consumer price index.
Ito aniya ay para ang inflation sa sin taxes sa mga naturang produkto ay hindi makaapekto sa ibang food items.
Pinaghahanda naman din ni Romero ng contingency plans ang Department of Agriculture sa posibleng epekto ng malamig na panahon sa Cordilleras pagdating sa mga kinukuhang gulay doon.
Umaasa rin si Romero na tuluyan nang mawawala ang African Swine Flu na nakaapekto sa hog industry sa bansa.