Nagpaliwanag si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa paghingi nito ng sorry kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa maaanghang na salita na binitiwan noon matapos salantain ng super typhoon Yolanda ang lungsod noong 2013.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na bagamat nasaktan siya maging ang kanyang mga kababayan sa nagdaang kalamidad, malaki pa rin aniya ang kanilang utang na loob sa mga tulong na natanggap mula gobyerno.
“Syempre nakakarinig kayo ng mga protesta dito sa Tacloban laban sa pamahalaan, may mga nagagalit at nakakapagsalita ng hindi maganda, ang sinasabi ko naman na intindihin nila na hindi ibig sabihin na nagpoprotesta ang mga Taclobanon ay we’re ungrateful for the things that have been done here, we are very grateful at no given time were we ungrateful, syempre nasaktan talaga kami dito, mahapdi talaga yung naranasan namin kaya humihingi kami ng konting understanding na parang nagsu-suggest lang kami na imbes na i-focus yung mga bilyon-bilyon sa mga infrastructure sana i-focus naman doon directly sa buhay ng mga tao.” Ani Romualdez.
Hindi rin minasama ni Romualdez ang hindi pagdalo ng Pangulong Aquino sa ikalawang anibersaryo ng yolanda kahapon.
“Okay na lang yun kasi binanggit ko naman yun a year ago minsan pag binisita kami ni Pangulong Aquino, itong mga commemoration this is for the people at syempre mahirap din with all due respect pag pumunta naman si President dito ay hihigpit ang security at ang mangyayari niyan ay hindi makakadalo ang mga pangkaraniwang tao, commemoration is really for the people.” Pahayag ni Romualdez.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita