Umapela si House Majority Leader Martin Romualdez sa mga kapwa kongresista na limitahan ang paulit-ulit na pagtatanong sa talakayan ng panukalang 2020 budget.
Sa ganitong paraan, ayon kay Romualdez, ay mas mapapabilis ang paghimay at mapagtitibay sa tamang panahon ang panukalang P4.1-trillion national budget.
Sinabi ni Romualdez na dapat madaliin ang pagproseso sa pagtalakay sa national budget dahil maikli ang time frame para maaprubahan ito.
Sa August 20 inaasahang maisusumite ng Malacañang sa kamara ang kopya ng national expenditure program (NEP) at August 22 inaasahang mapasisimulan na ang budget deliberations na sabay-sabay idaraos ng mga subcommittee.