Nagpasalamat si House Majority Leader at Leyte Representatitve Martin Romualdez sa suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sakali aniyang tumakbo siya bilang vice president sa 2022 elections.
Ikinatuwa aniya ni Romualdez ang tiwalang ibinibigay sa kaniya ng pangulo.
Gayunman, sinabi ni Romualdez na nagpa-plano pa siya para sa susunod na taon.
Kahapon, nagpahayag ng suporta ang pangulo kay Romualdez matapos lagdaan ang apat na panukalang batas sa Palasyo kung saan naroon ang mambabatas.