Kinasuhan na ng Department of Justice ang gumawa ng social media account kung saan unang ini upload ang tunay na narco list video.
Batay sa resolusyon ng DOJ, nakitaan ng probable cause ang pagsasampa ng kasong Inciting to Sedition na may kaugnayan sa section 6 ng Anti Cybercrime Law laban sa webmaster na si Rodel Jayme.
Si Jayme ay creator at administrator ng www.metrobalita.ph kung saan unang lumabas ang video nang nagpakilalang si Bikoy.
Magugunitang April 30 nang sumuko si Jayme sa mga tauhan ng NBI na nagsilbi ng search warrant para sa computer at ilan pang mobile gadget nang nagpakilalang supporter ng ilang miyembro ng Liberal Party.
Una na ring inihayag ng NBI na marami na silang nakuhang impormasyon sa mga personalidad na nasa likod ni Bikoy na gagamitin nila sa kanilang imbestigasyon.