Pinalagan ni Mayor Mariano Blanco the Third ng bayan ng Ronda, Cebu ang pagkakabilang niya sa 25 alkaldeng tinanggalan ng police powers sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagkakasangkot umano sa illegal drugs.
Aminado si Blanco na ikinagulat niya ang ulat ng National Police Commission na sangkot umano siya sa illegal drugs trade.
Ayon sa alkalde, sa 22 taon niyang pagsisilbi ay ngayon lamang nadungisan ang kanyang pangalan.
Iginiit ni Blanco na malinis ang kanyang konsyensya at hindi niya batid kung paano siya napabilang sa sinasabing Narco-List.