Lumarga na ang Mindanao leg ng Ronda Pilipinas 2016 sa Butuan City ngayong araw, Pebrero 20.
Mag aalas-9:00 kaninang umaga nang pakawalan ang race column na hudyat ng pagsisimula ng karera.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagtala ng 170 riders ang Ronda na binubuo ng 3 participating categories: executive, women’s at youth categories.
Pinasinayaan ni Butuan City Mayor Jun Amante ang pagsisimula ng unang bahagi ng karera.
Nakatakdang gawin ang Visayas leg sa loob ng dalawang linggo ng Marso at sa unang linggo naman ng Abril gagawin ang Luzon Leg.
Tatagal ang Mindanao leg hanggang Pebrero 27 na tatakbo mula Butuan City hanggang Cagayan de Oro at Malaybalay, Bukidnon.
By Katrina Valle | Snow Badua