Magkakaroon ng rematch sa pagitan nina Ronda Rousey at ang tumalo ritong si bagong UFC bantamweight champion Holly Holm.
Ito ang tiniyak ngayon ni UFC President Dana White.
Ayon kay White, bilang dating undefeated champion, karapat-dapat aniya si Rousey na mabigyan ng rematch.
Gayunman, hindi pa batid ni White kung kailan ito maisasakatuparan ngunit tiyak nitong mangyayari ang Rousey vs Holm 2.
Matatandaang isang head kick mula kay Holm sa second round ang tumapos sa malinis na fight record ni Rousey dahilan upang maagaw dito ang bantamweight champion belt.
By Ralph Obina