Bagsak na bagsak ang pakiramdam ni dating UFC Champion Ronda Rousey matapos ang masaklap niyang pagkatalo kay Holly Home noong nakaraang taon kung saan maliban sa knocked out ay nabugbog ng husto ang mixed martial arts star na si Rousey.
Dahil dito, inamin ni Rousey na habang nasa ospital ay sumagi sa kanyang isip ang magpakamatay.
Pakiramdam ng dating Olympic judo medalist na nawalan siya ng halaga matapos matalo at hindi na nito alam kung papaano pa makakabangon.
Ngunit nag-iba aniya ang kanyang pananaw nang makita niyang nasa kanyang tabi ang nobyong si UFC Heavyweight Travis Browne.
Sinabi sa sarili ni Rousey na kailangan niyang mabuhay upang mabigyan pa niya ng anak ang kasintahan.
Matatandaang 8 taong gulang pa lamang si Rousey maulila ito sa amang nag-suicide.
By Ralph Obina