Pormal nang lumipat sa World Wrestling Entertainment o WWE ang UFC star na si Ronda Rousey matapos itong pumirma ng kontrata.
Inanusyo ni Rousey ang kanyang paglipat sa WWE nang dumalo ito sa Royal Rumble event sa Philadelphia Pennsylvania.
Itinuturing naman ni Rousey na isang dream come true ang pagsama niya sa WWE.
Matatandaang natalo si Rousey sa kanyang huling laban sa UFC 207 kontra Amanda Nunes.
Bago ito natalo rin si Rousey kay Holly Holm.
—-