Itinanggi ng actor-dancer at hashtag member na si Ronnie Alonte na mayroon umano silang relasyon ng kapamilya host na si Vice Ganda.
Iginiit ni Ronnie na masyadong mapanghusga ang mga tao pagdating sa mga bakla at bisexual lalo sa komedyanteng si Vice.
Hindi anya porke’t nakikitang kasama niya si Vice ay mayroon na silang relasyon.
Ipinaliwanag ng bente anyos na hashtag member na marami siyang natutunan mula kay Vice hinggil sa pagharap sa mga basher at matitinding tsimis sa Showbiz.
Nakatatanggp din siya ng mga advice mula sa mga kapwa host sa “Its Showtime” na sina Vhong Navarro at Billy Crawford.
Sa halip naman na magalit, aminado si Ronnie na tinatawan na lamang niya ang mga komento ng kanyang mga basher sa social media.
By Drew Nacino