Balik na sa kaniyang safehouse ang dating driver bodyguard ni Senador Leila De Lima na si Ronnie Dayan.
Ipinabatid ito ni Senador Panfilo Lacson para mabigyan si Dayan ng pagkakataong mahimasmasan matapos ipa cite for contempt ni Senador Manny Pacquiao sa pagharap nito sa pagdinig ng Senado kahapon kasama si Kerwin Espinosa.
Ayon kay Lacson bitin sa detalye ang bagong inihayag ni Dayan sa testimonya nito tulad ng pagtanggap ng pera ni dating NBI Deputy Director Rafael Ragos at dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na hindi nabanggit sa pagdinig ng Kamara.
By: Judith Larino / Cely Bueno