Biyaheng Maynila na rin ang convoy ng arresting team ni Ronnie Dayan, ang dating bodyguard at driver ni Senador Leila de Lima.
Sinabi ni Urbiztondo, Pangasinan Police Chief Inspector Joshua Maximo, na inaresto nila si Dayan sa kanyang bahay, alas-7:00 kagabi, at binisita siya ng kanyang misis at dalawang kapatid, kaninang umaga.
Sinabi ni Maximo na hindi na rin ikinagulat ni Dayan ang ginawang pag-aresto.
“Wala naman siyang resistance at sabi naman niya expected na niya yung moment nay un na aarestuhin siya, free man naman siya eh hindi siya under control ng PNP.” Ani Maximo
By Katrina Valle | Ratsada Balita (Interview)