Naaresto na ang dating driver/bodyguard ni Senador Leila De Lima.
Kasunod na rin ito nang inisyung arrest warrant ni Muntinlupa RTC Judge Juanita Guerrero laban kay Ronnie Dayan kaugnay sa papel nito sa umanoy operasyon ng illegal drugs sa NBP o New Bilibid Prisons.
Ayon kay Chief Inspector Joshua Maximo, hepe ng Urbiztondo Police sa Pangasinan hindi naman umalma si Dayan nang isilbi nila ang arrest warrant pasado alas 7:00 kagabi.
Kaagad aniyang sumalang sa booking process, fingerprinting at mug shot si Dayan sa Urbiztondo police station kung saan din ito nagpalipas ng gabi.
Sinabi ni Maximo na anumang oras ngayong araw na ito ay inaasahang iba biyahe nila si Dayan pa Muntinlupa RTC kasabay na rin nang pagbabalik ng warrant of arrest sa korte.
By: Judith Larino