Malaki umano ang maitutulong ni Ronnie Dayan sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa illegal drug trade sa NBP o new Bilibid Prison.
Ito, ayon kay Senador Panfilo Lacson ay kung makikipagtulungan si Dayan.
Idinagdag pa ni Lacson na makatutulong din si Dayan na mabigyang linaw ang nasa affidavit ni Kerwin Espinosa kung saan siya ang inutusan umano ni Senador Leila de Lima para humingi ng pondo sa pagkandidato nito sa nakalipas na Senatorial elections.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno