Pumalo sa mahigit $2.7M o katumbas ng halos P150M ang rookie jersey ng pumanaw na NBA legend na si Kobe Bryant.
Sa ulat, kumubra ng 26 bids ang nasabing uniporme ni ‘black mamba’ mula sa scp auction kaya lumobo ito sa limpak limpak na presyo.
Ang nasabing jersey ay suot ni Kobe noong siya ay rookie pa lamang sa Los Angeles Lakers. Ginamit rin niya ito noong 1996-1997 season sa nba playoff series kalaban sina Karl Malone at John Stockton ng Utah Jazz.
Eksaktong Mayo 8 ng taong 1997 niya ito ginamit kung saan nanalo pa ito at nagsalpak ng 19 points sa loob ng 19-minutong paglalaro.
Bukod sa jersey, hawak rin ng scp auction ang bihirang pirmadong 1997 precious metal gems kobe na nabenta nila sa halagang $403k.