Nakatakdang isapelikula ang buhay ng hollywood legend at fashion icon na si Audrey Hepburn.
Gagampanan ito ng two-time Oscar nominee na si Rooney Mara na lumabas sa mga pelikulang ”The Girl With The Dragon Tattoo,” “Nightmare Alley,” “Mary Magdalene,” at “Her.”
Si Hepburn ay isang British actress na sumikat noong 1950 at 1960 kung saan bumida ito sa ilang classic films gaya ng “Breakfast At Tiffany’s,” “My Fair Lady,” At “Roman Holiday’.
Sa ngayon ay wala pang anunsyo kung kailan ipapalabas ang nasabing pelikula.