Pansamantalang isasara ang Roosevelt station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula Setyembre 5 hanggang Disyembre 28.
Ito ang inanunsyo ng Light Rail Manila Corportation (LRMC) upang magbigay daan sa konstruksyon ng unified grand central station na magkokonekta naman sa line systems ng LRT-1, MRT-3 at ng ginagawang MRT-7.
Sa panahon ng pagsasara ng Roosevelt station, magiging last stop na ng LRT-1 sa northbound area ang Balintawak station.
Tiniyak din ng LRMC na mananatiling operational at patuloy na magsisilbi sa lahat ng mga pasahero ang baclaran hanggang Balintawak stations.
Samantala, sinabi ng LRMC na hindi na matutuloy ang naunang plano na pagtatalaga ng Roosevelt shuttle train para sa mga pasahero dahil sa sitwasyong dulot ng COVID-19 pandemic.