Hindi suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na divorce bill sa Kamara ng kanyang kapartido na si Speaker Pantaleon Alvarez.
Inilabas ng Malakanyang ang nasabing pahayag bago pa maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang “Absolute Divorce and Dissolution of marriage Bill”
sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque nanababahala ang Pangulo sakaling maisabatas ang diborsyo sa bansa dahil tiyak na magiging kawawa ang mga anak ng mga nais maghiwalay na mag – asawa.
Dagdag pa aniya ni Pangulong Duterte na kapag nagkaroon ng divorce sa Pilipinas ay mawawalan ng karapatang Magsampa ng Kaso ang isang tao sa mga pabayang asawa.