Binatikos ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mayayamang bansa nagdo-donate ng COVID-19 vaccine sa Covax Facility.
Ayon kay Roque, nagsisilbi lang aniyang tugon ito sa kanilang konsensya dahil sa pagkuha nila ng maraming bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Roque, dahil mino-monopolyo ng mayayamang bansa ang suplay ng bakuna kontra COVID-19, at dahil kinailangang tugunan ang “guilty conscience ng mga ito…kaya namimigay ng kaunting bahagi ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.”
Giit ni Roque, hindi ito ang solusyon sa pandemya dahil gaya ng sinasabi ng World Health Organization, hindi magiging ligtas ang sinoman kung hindi magiging ligtas ang lahat.
Kaya aniya kinakailangan ng lahat ng bansa ng pantay na suplay ng bakuna.
Dagdag ni Roque, kaya aniya siya ang ni-nominate ng gobyerno sa International Law Commission ay para isulong ang isang kasunduan na kikilala sa ligal na obligasyon ng lahat ng bansa para magkaroon ng pantay na access sa COVID-19 vaccines.