Hindi nakapagpaturok ng bakuna kontra COVID-19 si Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ngayong unang araw ng vaccination program sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na hindi na siya nakakuha ng unang dose ng bakunang gawa ng Sinovac mula sa China, dahil napunan na ang 100 slots ng mga indibidwal na natakdang tumanggap ng unang dose ng vaccine.
Pero, ani Roque, baka bukas ay makakuha na ito ng unang dose ng bakuna.
Nauna rito, inihayag ni Presidential Spokesperson Roque na nakahanda siyang magpabakuna gamit ang bakunang gawa ng sinovac mula China.