Hindi kumasa si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa kahilingan na ipakita nito ang kanyang COVID-19 results na nagpapatunay na positibo ito sa virus.
Ayon kay Roque para sa kanya ay hindi na mahalaga pa na ipakita ang naturang resulta ng COVID-19 test.
Dagdag pa ng kalihim, hindi niya nakikita kung ano ang dahilan o kaya’y bakit pa kinakailangan itong ipakita.
Nauna rito, nitong Lunes, ika-15 ng Marso ay inihayag ni Roque sa publiko na siya’y dinapuan ng COVID-19 at agad na pinayuhan ang sinumang nakasalamuha na mag-quarantine na.