Pinasisibak ng isang grupo ng mga doktor sa Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesman Harry Roque matapos atakihin ang mga health workers.
Subalit mas mabuti, ayon kay Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians (PCP) na magbitiw sa na lamang sa tungkulin si Roque dahil sa delicadeza.
Ipinabatid sa DWIZ ni Limpin na hindi alam ni Roque ang mga pinagsasabi nito sa sitwasyon ng medical workers na aniya’y pagod na pagod na sa kanilang mga trabaho.
Nilinaw ni Limpin na hindi lang naman isyu ng kalusugan ang concern nila kundi maging ang iba pang usapin na kaakibat ng pandemya.
“Hindi naman po kami, yung parang ang concern lang namin ay pangkalusugan. Kaya nga ho ang sinasabi namin, sana si Secretary Roque, he should get his facts straight. Hindi ho tamang information yung kanyang mga sinasabi. So, alam ho namin, nakikipag-usap po kami sa mga economic experts. Sila po ang nagsasabi na may pagkukuhaan ng pera, at itong perang ito, malaking malaki, malaking pera pong ‘to ay hindi po ito utang. So, meron pong paraan kung pano natin matutulungan yung mga hindi makakapagtrabaho, kung mabibigyan natin sila ng financial assistance at pwede rin pong bigyan ng assistance yung mga small, medium enterprise,” wika ni Dr Maricar Limpin, Pangulo ng Philline College of Physicians sa panayam ng DWIZ.