Humingi ng privacy si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa pagsasapubliko nito sa kanyang RT-PCR result na nagpapakitang positibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Roque, hindi big deal ang pagkakaroon ng COVID-19 na kailangan pang ipakita sa publiko ang resulta.
Aniya, hindi siya isasailalim sa quarantine kung hindi naman positibo sa virus.
Una nang itinanggi ni Roque ang resulta ng kanyang RT-PCR test dahil hindi naman importanteng ipakita pa ito sa publiko.
Magugunitang noong ika-15 ng Marso nang maiulat na si Roque ay nagpositibo sa COVID-19 na nagpunta pa ito sa Malakanyang sa parehas na araw. —sa panulat ni Rashid Locsin