Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi pa tuluyang sinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na tumakbong Bise Presidente sa susunod na halalan.
Ayon kay Roque, malinaw naman ang mga pahayag ng Pangulo hinggil sa naturang usapin.
Giit ni Roque, ayaw ng Pangulo na tumakbo sa pagka-Bise Presidente pero hindi naman nito sinasabing ‘hindi.’
Mababatid na nakasaad ano Roque sa omnibus election code na pwedeng magsagawa ng substitution ng isang kandidato hanggang sa Disyembre.
Gaya ng naging last minute na pagkadidato nito noong eleksyon 2016 na naging substitute kay DILG Undersecretary Martin Diño.