Nangyayari na umano ngayon ang debate ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio hinggil sa isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo ng Pilipinas sa China.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa patuloy na sagutan ng dalawang panig kaugnay naturang usapin.
Ngunit ayon kay Roque kung isang formal debate naman ang nais ni Carpio, nakahanda naman aniya rito ang Pangulo.
Sinabi rin ni Roque na malinaw na hindi masagot ni Carpio ang tanong kung anong isla ng pilipinas ang ipinamigay ni Pangulong Duterte sa China.
Giit ni Roque wala naman kasing isla ang nawala sa ilalim ng administrasyong Duterte bagkus ay nawala ang scarborough shoal at mischief reef sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.