Nagpahayag ng kaligayahan si Atty. Harry Roque sa naging resulta ng promulgation ng Mindanao massacre kahapon, Disyembre 19.
Aniya, matapos ang 10 taon sa wakas ay naibigay na ang katarungan sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Ngunit ani ni Roque, may hinanakit pa rin sila dahil hindi nabigyan ng katarungan ang ika-limamput walong biktima na si Reynaldo Momay.
Talagang maligaya kami. Nagagalak kami na matapos ang sampung taon ay nabigay ang katarungan. Pero gayunpaman ay medyo may kaunting hin anakit kasi yung 58th victim na si Reynaldo Momay ay hindi pa rin nabigyan ng katarungan, at dalawang Ampatuan pa rin ang napawalang sala,” ani Atty. Harry Roque sa panayam ng DWIZ.
Giit ni Roque, mayroon namang sapat na ebidensya para maipakita na kasama sa massacre si Momay.
Dagdag pa nito, ang importanteng bagay ay ang karamihan ay napatawan na ng tamang parusa at nagsisilbi na itong isang mensahe.