Plano ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banat sa kanya ng ilang kasamahan sa Malakanyang.
Kasunod ito ng mga patutsada ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson at Department of Foreign Affairs o DFA consultant Rj Nieto na administrator ng Thinking Pinoy blog.
Kung saan sinabi nitong tila nagkamali si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay Roque bilang kanyang tagapagsalita.
Ayon kay Roque, nasa demokratikong bansa tayo na may kalayaang ihayag ang komento at opinyon ng bawat isa.
Magugunitang nag-ugat ang naturang isyu matapos umapela si Roque sa mga blogger at supporter ni Pangulong Duterte na lubayan na ang pamba-bash sa ilang lehitimong miyembro ng media dahil ginagawa lamang nito ang kanilang trabaho.