Tinawag na fake news ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ang naging pahayag ng abogado ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.
Ito’y makaraang ihayag ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia na sumang-ayon ang noo’y abogado ng pamilya Laude na si Roque para bigyan ng parole ang kaniyang kliyente at makalaya ito noong 2017.
Ayon kay Roque, bilang dating abogado ng pamilya Laude, isang malaking kasinungalingan ang naging pahayag ni Garcia at hindi ito kailanman nagtungo sa kaniyang tanggapan.
Para pabulaanan ang naging pahayag ni Garcia, sinabi ni Roque na hihilingin niya sa kamara na maglabas ng sertipikasyon kung bumisita ba talaga si Flores sa kaniyang naging tanggapan noong 2017.