Kailangan pang maghintay ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng 90 araw bago siya maaaring mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Roque, nabigyan siya ng slot sa Emilio Aguinaldo Elementary School sa Quezon City para sa pagpapabakun dahil sa siya ay may co-morbidities.
Ngunit dahil aniya nagpositibo siya sa COVID-19 kamakailan, kinakailangan muna aniya siyang maghintay ng siyamnapung araw bago mabakunahan.
Nakarekober si Roque sa pagkakaroon ng virus bago matapos ang Marso.