Ipinauubaya ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasiya kung isasapubliko nito ang kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).
Ayon kay Roque, kanya munang kakausapin ang Pangulo hinggil sa usapin at hihingi ng permiso kung pahihintulutan nitong maipalabas ang kanyang SALN.
Ito ay sa gitna na rin ng ipinalabas na patakaran ang Ombudsman hinggil sa limitadong access sa SALN ng mga opisyal ng pamahalaan na kanila lamang aniyang sinusunod.
Iginiit naman ni Roque na walang itinatago si Pangulong Duterte.
Sinabi ni Roque, sa katunayan pa nga ay taon-taon isinasapubliko ni Pangulong Duterte ang kanyang SALN bago pa man ilabas ng Ombudsman ang kanilang memorandum circular.