Kinuwestyun ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagiging United Nations (UN) Special Rapporteur on Extra – Judicial Killing ni Agnes Callamard.
Ang naging pahayag ni Roque ay kasunod ng pag – korek sa kanya ni Callamard na hindi umano halal ang mga special rapporteur kundi appointed ng UN Human Rights Council.
Ang ‘expertise’ aniya ni Callamard ay ‘freedom of expression’ at hindi ang ‘extra – legal killing’, kaya’t lalabas na palpak ito sa kanyang trabaho at sa panghihimasok sa ‘war on drugs’ ng Pilipinas.
Idinagdag ni Roque na hindi man lang humaharap sa Korte ang UN Special Rapporteur para maglitis ng mga kasong kriminal at murder.
Nangangahulugan lang aniya ito na walang karapatang mag – imbestiga ang Special Rapporteur sa ipinalulutang ng mga kritiko ng gobyerno na may extra – judicial killings sa bansa.