Sinusubukan pa rin ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na makapasok ng International Criminal Court detention facility upang maka-usap si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa gitna ng kanyang pagnanais na maging bahagi ng defense team ng dating pangulo na kasalukuyang nahaharap sa kasong crimes against humanity.
Binigyan-diin ni Atty. Roque, gusto niyang personal na maka-usap ang dating pangulo dahil ito pa rin ang magdedesisyon kung sino ang mga kukuhanin niyang legal counsels.
Mayroon na anya siyang nakabinbing kaso sa lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman para mabisita ang dating pangulo bilang potential counsel.
Una nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi parte ng legal team ang kanyang ama ang dating Palace Spokesman dahil nais anya nilang kunin ang mga abogadong mayroon ang ICC experience at upang makapagfocus si Atty. Roque sa kanyang asylum petition sa The Hague, Netherlands.—sa panulat ni Kat Gonzales