Dapat na magbitiw na lamang sa pwesto ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) kung hindi nila kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang naging pagdinig sa Senado kaugnay ng kakulangan ng suplay ng NFA Rice sa bansa.
Ayon kay Roque, oras aniya na malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga katiwalian na nangyayari sa NFA, tiyak na masisibak ang mga opisyal nito.
Dagdag ni Roque, lahat ng mga pangyayari sa mga ahensya ng pamahalaan ay nakakarating sa Pangulo at kanya itong pinag-aaralan.
Magugunitang nasermunan ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng NFA sa Senate Hearing dahil sa kabiguan nitong linawin sa publiko na walang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa at buffer stock ng NFA Rice ang paubos na.
RPE