Nag-sorry na si Presidential Spokesman Harry Roque sa dalawang doktor sa napagtaasan niya ng boses sa isang pulong ng IATF.
Ayon kay Roque, naging emotional lamang siya sa naging paggigiit ng ilang doktor na magpatupad muli ng hard lockdown sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Binigyang-diin ni Roque na maraming mawawalan ng trabaho at magugutom kapag nagpatupad muli ng lockdown.
Maaaring balansehin na lamang ang sitwasyon lalo pa’t halos kalahati ng mga taga-Metro Manila ay nabakunahan na.
Sinabi ni Roque na ang hindi niya pag-sang ayon ay hindi naman pagpapakita ng kawalang concern kundi nakikiusap sila sa lahat dahil ang mga desisyon ng gobyerno ay hindi lamang kapritso.