Planong makipag-usap ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa 2022 senatorial race.
Ayon kay Roque, matagal na niyang ninanais na tumakbo para maipagpatuloy ang kaniyang paglilingkod sa bayan.
Bukod pa dito, sinabi din ni Roque na iibalik niya ang nasimulang caliber o ang kalidad at kakayahang mamuno ng yumaong si Senator Miriam Defensor-Santiago. —sa panulat ni Angelica Doctolero