Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na nais pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa pagiging contact tracing czar ng pamahalaan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ito ay kasunod na rin nang pahayag ni Magalong na ‘irrevocable‘ ang resignation nito, ngunit nagpahayag na mananatili ito sa puwesto kung gugustuhin ng pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isandaang porsyento itong nakatitiyak na tiwala pa rin ang Pangulong Duterte na magpatuloy bilang tracing czar ang alkalde dahil pawang mga papuri lamang patungkol sa opisyal ang kanyang naririnig mula sa pangulo.
I have heard with my own two ears nothing but words of praises for Mayor Magalong from the President. So of course, I am 100% sure that the President would want Mayor Magalong to stay on as tracing czar,” ani Roque.
Magugunita ring tinawag ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na “irreplaceable” o hindi kayang palitan si Magalong sa kanyang panunungkulan.
Samantala, naghain ng resignation letter si Magalong noong nakaraang linggo kasunod na rin ng mga kritisismo sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng eventologist na si Tim Yap kung saan nagkaroon umano ng mga paglabag sa COVID-19 protocols.