Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang pruwebang mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Vigilante Killings na pinangungunahan umano ng Davao Death Squad (DDS).
Ito’y matapos ihayag ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber na nakitaan ng ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang malawakang war on drugs ng administrasyong Duterte.
Itinanggi rin ni Roque ang sinasabi ng mga self-confessed dds members na sina Arturo Lascañas at Edgar Matobato kaugnay sa umano’y utos ng Pangulo na pagpatay sa Davao City.
Ani Roque, kilala na niya ang mga ito nuon pa at pinuntahan nila ang lugar kung saan sinasabing mayroong nakalibing na mga bangkay ng tao ngunit sa halip ay mga buto ng aso ang kanilang natagpuan.