Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na walang pangangailangan para ibalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ayon kay Roque, hindi kuwalipikado para magpatupad muli ng MECQ sa bansa kung pagbabatayan ang kasalukuyang datos ng Department of Health (DOH) na siyam na araw na doubling rate.
Sinabi ni Roque, wala aniyang plano ang pamahalaan na gawin ang nabanggit na hakbang kung hindi lamang sa panawagan ng medical community.
Aminado si Roque na nakararanas ng pagsubok ngayon ang critical care capacity pero hindi pa rin naman aniya ito nagagamit ng buo.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasalalim sa MECQ ng Metro Manila at iba pang kalapit lalawigan simula ngayong araw hanggang ika-18 ng Agosto.