Isang karangalan para kay Presidential Spokesman Harry Roque na ma-nomina bilang maging bahagi ng UN panel na bumabalangkas sa mga international law.
Aniya, hindi mangyayari ang naturang nominasyon kung hindi dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kinakailangan ng isang official nomination.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Roque kay Pangulong Duterte maging kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Paliwanag ni Roque, ang pagiging miyembro ng International Law Commission ay walang opisina, walang sweldo at dalawang beses lamang nagpupulong kada taon sa Geneva at New York.
Gayunman, sakaling tumakbo bilang senador si Roque sa susunod na taon ay hindi ito makakaapekto sa pagiging miyembro ng International Law Commission.
Samantala, isa si Roque sa 34 na nominado sa International Law Commission.