Maaari pa ring buhayin ng pamahalaan ang pakikipag-negosasyon sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).
Ito ang iginiit ng Malacañang sa kabila ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA bilang teroristang grupo.
Sa pulong balitaan sa Tanauan Leyte, binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang pormal na deklarasyon sa pagiging terorista ng npa na nakadepende pa aniya sa pasiya ng korte.
Dagdag ni Roque, wala siyang nakikitang gusot sa posibleng pagbuhay sa peace talks sa polisiya ng pamahalaan na hindi makikipagnegosasyon sa mga terorista.
Una nang sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na hindi i-aatras ng pamahalan ang petisyon na nagpapadeklara sa CPP-NPA bilang terorista sa kabila ng pahayag ng Pangulo na bukas itong buhayin muli ang peace talks.
—-