Walang dahilan para mag-panic.
Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa pagsipa ng inflation sa 6.4 percent para sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, normal lamang ito at walang dapat ikabahala ang ating mga kababayan.
“Itong 6.4 hindi po ito unprecedented in our history. We had inflation rate of 70 percent during GMA’s time it was double digit. And during her time, it was only eight years ago, so it’s not the reason to have any sort of panic.” Pahayag ni Roque.
Kasabay nito, tiniyak ng Malakanyang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang tugunan ang inflation.
Kabilang nga sa mga aksyon ng pamahalaan ay ang pag-aangkat ng produkto.
“It’s not that we are ignoring it we are addressing it. Kaya lang hindi naman overnight yung resulta ng mga anti-inflationary measures na ginagawa ng gobyerno.” Ani Roque.
Samantala, inaasahan naman na ng Malakanyang na sasamantalahin ng mga taga oposisyon ang isyu ng inflation para atakihin ang administrasyon.
“It was a given because they’re doing it now that’s what Vice president Robredo said. So ouf course they will take advantage of this.” Dagdag ni Roque.