Hindi tututulan ng Malakanyang anuman ang maging desisyon ng Ombudsman kaugnay sa kasong kinakaharap ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson hinggil sa kontrobersyal nitong sign language video kasama ang blogger na si Drew Olivar.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magsampa ng kaso laban kay Uson at Olivar ang Philippine Federation of the Deaf at iba pang person with disabilities.
Ayon kay Roque, hindi nila pakikielaman ang magiging hatol ng ombudsman kay Uson maging ang resulta man nito ay ang pagkasibak sa kaniyang pwesto.
“Well, let us wait for the decision of the Ombudsman dahil mayroon nanaman ganyan complaint. The Ombudsman can already order the dismissal of anyone in the government. Because it is both an administrative and a criminal case. Igagalang po ng Palasyo ang proseso pag sinabi po ng Ombudsman sibakin hindi po natin tutulan yan.” Pahayag ni Roque.