Binati ng Malakanyang ang publiko matapos na hindi umabot sa 40,000 ang bilang ng naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa pagtatapos ng hunyo, kahapon.
Batay ito sa naunang pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines kung saan aabot anila sa 40,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Hunyo 30.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananalo ang Pilipinas sa laban kontra COVID-19 dahil natalo ng bansa ang prediction ng UP.
Iginiit pa ni roque, kahit na umaabot pa sa 1,000 COVID-19 tests ang hindi pa naisasalang sa validation ng Department of Health, hindi pa rin aniya ito aabot sa pagtaya na 40,000.
Wala pong katotohanan ‘yung 10,000 (backlogs), 1,000 plus na lang po ang ating backlog which means we did not hit 40,000 or we will not hit 40,000. Wala na po panalo na tayo we beat UP prediction po, we beat it so Congratulations Philippines! let’s do it again in July. So we are winning ross ad I’ve said ang titignan natin declining mortality. ‘Yung case na doubling rate atsaka syempre po ‘yung positivity rate na patuloy na bumababa. ani Roque