Walang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa pananalasa ng Bagyong ‘Ulysses’.
Ito ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Department of Trade and Industry (DTI) kung saan, base aniya sa Republic Act 7581 o Price Act, iiral ang prize freeze sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity sa ilalim ng automatic prize control sa loob ng 60-araw.
Kabilang sa mga lugar na kinakailangang magpatupad ng price freeze ay ang Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan, mga lalawigan ng Camarines, pati na ang Marikina City.
Samantala, Biyernes, bago mag-tanghali, ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Ulysses.