Pinag-aaralan na ni Presidential spokesman Harry Roque ang magbitiw sa kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Ayon kay Roque, pakiramdam niya ay hindi siya magiging epektibong tagapagsalita kung hindi naman nila nalalaman ang mga ginagawa o aktibidad ng Pangulo.
I am inclined to believe that perhaps I am not in the position to continue with this current function, as you can see I cannot be effective as a spokesperson unless I know everything about the President. Now people think I lied. I’m telling the nation I did not. I did not know. Pahayag ni Roque
Tinukoy ni Roque ang mariing pagtanggi niya na naospital ang Pangulo pero mismong ang Pangulo ang umaming nagpa check up ito sa ospital.
Sinabi ni Roque na kailangan niya ang weekend na ito upang magnilay nilay kung ano ang kanyang gagawing hakbang.
Orihinal naman aniyang plano talaga na manatili lamang siyang isang taon bilang tagapagsalita habang naghahanda sa pagtakbo sa eleksyon.
Kasama aniya sa kanyang pinag-iisipan ang alok sa kanya ng Pangulo na bagong trabaho sa Malakanyang.
Una rito, sinabi ng Pangulo na hindi mananalong senador si Roque kaya’t bibigyan na lamang nya ito ng ibang trabaho.
Roque, tinawag na fake news ang balita na iniugnay ng Pangulo sa mayamang drug pusher si Chinese Ambassador Zhao Jianhua
Tinawag na fake news ni Presidential Spokesman Harry Roque ang balita na iniugnay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mayamang drug pusher si Chinese Ambassador Zhao Jianhua.
Ayon kay Roque, kabaliktaran ng lumabas sa balita ang sinabi ng Pangulo.
Sa pagsasalita aniya ng Pangulo, kinuwestyon nito kung paano magiging drug lord ang negosyanteng si Michael Yang, gayung sa bahay pa nito natutulog ang Chinese ambassador at mga tsino pa ang nagbibigay ng impormasyon sa Pilipinas.
Dahil dito, hiniling ni Roque sa Rappler na siyang naglathala ng ulat na itama ang kanilang pagkakamali.