Posibleng si Presidential Spokesman Harry Roque ang mamumuno sa bubuuing OPS o Office of the Press Secretary na siyang papalit sa PCOO o Presidential Communications Operations Office.
Ito ang paniniwala ni PCOO Secretary Martin Andanar bagamat naka depende pa rin ito sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Andanar na nailatag na niya ang lahat ng mga kakailanganin ni roque sa OPS tulad ng social media asset at government radio at television networks na naging moderno na at tumaas ang rating.
Tiniyak din ni Andanar ang kahandaang tumulong kay Roque lalo na sa broadcast kung kinakailangan.
Magugunitang ang OPS ay binuwag nuong panahon ng dating Pangulong Ninoy Aquino at ipinalit ang PCOO at PCDSCPO o Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.