Maaaring ihabla ang taong nagkalat ng viral video ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpapakita ng kanyang galit sa grupo ng mga doktor at email ng kanya umanong pag-a-apply sa United Nations.
Ayon kay Roque, maaaring makasuhan ang taong nagkalat ng sensitibong video at dokumento alinsunod sa data privacy law.
Posibleng rin anyang panagutin ang sinumang nag-leak ng impormasyon sa ilalim ng anti-wiretapping act.
Sa tingin ko po liable , liable din po for revealing public secrets pero hahayaan ko na po iyan sa IATF. Iyan naman po ay napag-usapan sa IATF,”pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.—sa panulat ni Drew Nacino